Siguro, dahil sa kagustuhan natin maging mas masaya. Naghahanap pa tayo ng iba kahit pa nasa harapan na natin lahat.
Ayaw nating tanggapin na binago na tayo ng paligid natin. Naapektuhan na tayo at mahalaga na to satin. Halos ayaw na nga nating bitawan.
Natatakot tayo na baka masaktan tayo. Kaya kahit nandito na, pinipigilan pa rin natin. Itinatago natin ang totoong nararamdaman. Pinipigilang ipahalata na nasasaktan, nahihirapan, naaapektuhan at nasisiyahan tayo sa bawat kilos at galaw ng mundo natin.
Hindi natin maamin, na ngayon. Mahal mo na. Gusto mo na at tanggap mo na.
Naiinis ka sa lahat. Pero higit kaysa sa lahat ay ang sarili mo. Akalain mong magbabago ka? Ang dating mga hindi mo ginagawa ay siya na ngayo'y bahagi na ng araw-araw gawain mo. Kahit itanggi mo man, hindi mo na maiaalis ang kinasanayan mo na ngayon. Masyado mong minahal kaya hindi mo na mabitawan.
Masakit pero gusto mo. Takot ka pero kailangan mo. Mahirap pero wala kang magawa. Isa ka ng preso at ngayo'y bilanggo ka na sa bagay na tinatawag nilang katotohanan.
Ito na daw talaga ang normal. Sanayin mo ng mabuti ang sarili sa lahat ng pinagdadaanan mo. Wag kang matakot. Wag kang maging duwag. Wag mong hayaang magsimula ang byahe ng hindi mo namamalayan. Kilalanin mo ang nasa tabi mo. Damhin ang hangin na tagos sa balat mo. Silipin ang bintana't masdan ang magandang paligid. Ipahinga at isip at kalimutan ang nagdaan.
Balang araw, maiintindihan mo rin. Balang araw, sasaya ka na rin.
-reblog
No comments:
Post a Comment